Pagkolekta ng mga Inscription at Ordinal gamit ang Sparrow Wallet
Ang mga user na hindi o hindi pa nakakapag-set up ng ord wallet ay maaaring makatanggap ng mga inscription at ordinal sa iba pang bitcoin wallet, basta't maingat sila kung paano nila ginagastos ang pera mula sa wallet na iyon.
Nagbibigay ang gabay na ito ng ilang pangunahing hakbang kung paano gumawa ng Sparrow Wallet na tugma sa ord
at maaring ma-import sa ord
⚠️⚠️ Warning!! ⚠️⚠️
Sa pangkalahatan, kung gagawin mo ang diskarteng ito, dapat mong gamitin ang wallet na ito gamit ang Sparrow software bilang receive wallet lamang.
Huwag gumastos ng satoshi mula sa wallet na ito maliban kung sigurado kang alam mo ang iyong ginagawa. Madali mong hindi sinasadyang mawalan ng access sa iyong mga ordinal at inscription kung babalewalain mo ang babalang ito.
Wallet Setup at Receiving
I-download ang Sparrow Wallet mula sa releases page para sa iyong partikular na operating system.
Piliin ang File -> New Wallet
at gumawa ng bagong wallet na tinatawag na ord
.
Palitan ang Script Type
sa Taproot (P2TR)
at piliin ang `New or Imported Software Wallet\
option.
Piliin ang Use 12 Words
at pagkatapos ay i-click ang Generate New
. Iwanan ang passphrase na blangko.
Ma-ge-generate para sa iyo ang isang bagong BIP39 12 word seed phrase. Isulat ito sa isang lugar na ligtas dahil ito ang iyong backup para makakuha ng access sa iyong wallet. HUWAG ibahagi o ipakita ang seed na pariralang ito sa iba.
Kapag naisulat mo na ang seed phrase i-click ang Confirm Backup
.
Muling i-enter ang seed phrase na iyong isinulat, at pagkatapos ay i-click ang Create Keystore
.
I-click Import Keystore
.
I-click ang Apply
. I-add ang password para sa wallet kung gusto mo.
Mayroon ka na ngayong wallet na compatible sa ord
, at maaaring i-import sa ord
gamit ang BIP39 Seed Phrase. Upang makatanggap ng mga ordinal o inskripsiyon, mag-click sa tab na Receive
at kumopya ng bagong address.
Sa tuwing gusto mong makatanggap dapat kang gumamit ng bagong address, at hindi muling-gumamit ng mga kasalukuyang address.
Tandaan na ang bitcoin ay iba sa ibang mga wallet ng blockchain, sa maaaring bumuo ang wallet na ito ng walang limitasyong bilang ng mga bagong address. Maaari mong i-generate ng bagong address sa pamamagitan ng pag-click sa Get Next Address
na buton. Maaari mong tingnan ang lahat ng iyong address sa tab na Addresses
ng app.
Maaari kang magdagdag ng label sa bawat address, para masubaybayan mo kung ano iyon at ginagamit para saan.
Pagpapatunay / Pagtingin sa Mga Natanggap na Inskripsiyon
Kapag nakatanggap ka ng inskripsiyon makakakita ka ng bagong transaksyon sa tab ng Transactions
ng Sparrow, pati na rin ang isang bagong UTXO sa tab na UTXOs
.
Sa una ang transaksyong ito ay maaaring magkaroon ng isang "Unconfirmed" na status, at ikaw ay kailangan maghintay na ito ay mamina sa isang bitcoin block bago ito ganap na matanggap.
Upang subaybayan ang status ng iyong transaksyon maaari kang mag-right click dito, piliin ang Copy Transaction ID
at pagkatapos ay i-paste ang transaction id sa mempool.space.
Kapag nakumpirma na ang transaksyon, maaari mong i-validate at tingnan ang iyong inskripsyon sa pamamagitan ng pagpunta sa tab na UTXOs
, paghahanap ng UTXO na gusto mong suriin, pag-right-click sa Output
at pagpili sa Copy Transaction Output
. Ang output id ng transaksyon na ito ay maaaring i-paste sa ordinals.com search.
Pag-freeze ng UTXO's
Tulad ng ipinaliwanag sa itaas, ang bawat isa sa iyong mga inskripsiyon ay naka-store sa isang Unspent Transaction Output (UTXO). Gusto mong maging maingat na hindi aksidenteng ma-gastos mo ang iyong mga inskripsiyon, at isang paraan para mas mahirap itong mangyari ay upang i-freeze ang UTXO.
Upang gawin ito, pumunta sa tab na UTXOs
, hanapin ang UTXO na gusto mong i-freeze, i-right--click sa Output
at piliin ang Freeze UTXO
.
Ang UTXO (Inscription) na ito ay hindi na gagastusin sa loob ng Sparrow Wallet hanggang sa i-unfreeze mo ito.
Pag-import sa ord
wallet
For details on setting up Bitcoin Core and the ord
wallet check out the Wallet Guide
Kapag nagse-set up ng ord
, sa halip na i-run ang ord wallet create
upang lumikha ng isang bagong-bagong pitaka, maaari mong i-import ang iyong existing na pitaka gamit ang ord wallet restore "BIP39 SEED PHRASE"
gamit ang seed phrase na nabuo mo gamit ang Sparrow Wallet.
Kasalukuyang may bug na nagiging sanhi ng isang na-import na wallet upang hindi awtomatikong muling i-scan versus sa blockchain. Upang magawa ito, kailangan mong manu-manong mag-trigger ang rescan gamit ang bitcoin core cli: bitcoin-cli -rpcwallet=ord rescanblockchain 767430
Pagkatapos ay maaari mong suriin ang mga inskripsiyon ng iyong wallet gamit ang ord wallet inscriptions
Tandaan na kung nakagawa ka dati ng wallet na may ord
, pagkatapos ay mayroon nang wallet na may default na pangalan, at kakailanganing ibigay ang iyong imported na wallet ng bagong pangalan. Maaari mong gamitin ang parameter na --wallet
sa lahat ng commands ng ord
para ma-reference sa ibang wallet, hal:
ord wallet --name ord_from_sparrow wallet restore --from mnemonic
ord wallet --name ord_from_sparrow wallet inscriptions
bitcoin-cli -rpcwallet=ord_from_sparrow rescanblockchain 767430
Pagpapadala ng mga inskripsiyon gamit ang Sparrow Wallet
⚠️⚠️ Warning ⚠️⚠️
Habang lubos na inirerekomenda na mag-set up ka ng bitcoin core node at magpatakbo ng ord
software, may ilang partikular na limitadong paraan na maaari kang magpadala ng mga inskripsiyon mula sa Sparrow Wallet sa ligtas na paraan. Pakitandaan na hindi ito inirerekomenda, at dapat mo lang gawin ito kung lubos mong naiintindihan kung ano ang iyong ginagawa.
Ang paggamit ng ord
software ay mag-aalis sa pagiging kumplikado sa paglalarawan dito, dahil awtomatiko at ligtas nitong pangasiwaan ang pagpapadala ng mga inskripsiyon sa madaling paraan.
⚠️⚠️ Dagdag na Warning ⚠️⚠️
Huwag gamitin ang iyong sparrow inscriptions wallet para gumawa ng mga pangkalahatang pagpapadala ng non-inscription bitcoin. Maaari kang mag-set up ng hiwalay na wallet sa sparrow kung kailangan mong gawin ang mga normal na transaksyon sa bitcoin, at panatilihin ang iyong inscription wallet na hiwalay.
Bitcoin's UTXO model
Bago magpadala ng anumang transaksyon, mahalaga na mayroon kang mabuting modelo para sa sistema ng Unspent Transaction Output (UTXO) ng bitcoin. Ang paraan ng Bitcoin ay pangunahing naiiba sa maraming iba pang mga blockchain tulad ng Ethereum. Sa Ethereum sa pangkalahatan ay mayroon kang isang address kung saan ka nag-iimbak ETH, at hindi ka makakapag-iba sa pagitan ng alinman sa ETH - ito ay isang mahalagang kabuuang halaga sa address na iyon. Kakaiba gumana ang Bitcoin sa paggawa namin ng bagong address sa wallet para sa bawat tumatanggap, at sa tuwing makakatanggap ka sats sa isang address sa iyong wallet ikaw ay lumilikha ng bagong UTXO. Ang bawat UTXO ay makikita at pag-manage nang paisa-isa. Ikaw ay maaaring pumili ng mga partikular na UTXO na gusto mong gastusin, at maaari mong piliin na huwag gumastos ng ilang mga UTXO.
Ang ilang mga wallet ng Bitcoin ay hindi inilalantad ang antas ng detalyeng ito, at ipinapakita lang nila ang summed up na halaga ng lahat ng bitcoin sa iyong wallet. Gayunpaman, kapag nagpapadala ng mga inskripsiyon, mahalaga na gumamit ka ng wallet tulad ng Sparrow na nagpapahintulot para sa kontrol ng UTXO.
Pag-susuri ng iyong inskripsiyon bago ipadala
Tulad ng inilarawan natin dati, ang mga inskripsiyon ay nakasulat sa sats, at ang mga sats ay nakaimbak sa loob ng mga UTXO. Ang mga UTXO ay isang koleksyon ng mga satoshi na may ilang partikular na halaga ng bilang ng mga satoshi (ang output value). Karaniwan (ngunit hindi palagi) ang inskripsiyon ay isusulat sa unang satoshi sa UTXO.
Kapag sinisiyasat ang iyong inskripsiyon bago ipadala ang pangunahing bagay na gusto mong tingnan kung saang satoshi sa UTXO nakalagay ang inskripsiyon mo.
Upang gawin ito, maaari mong sundin ang Validating / Viewing Received Inscriptions inilarawan sa itaas upang mahanap ang pahina ng inskripsyon para sa iyong inskripsyon sa ordinals.com
Doon makikita mo ang ilang metadata tungkol sa iyong inskripsiyon na mukhang ang mga sumusunod:
Mayroong ilang mahahalagang bagay na dapat suriin dito:
- Ang
output
identifier ay tumutugma sa identifier ng UTXO na ipapadala - Ang
offset
ng inskripsiyon ay0
(ito ay nangangahulugan na ang inskripsiyon ay matatagpuan sa unang sat sa UTXO) - ang
output_value
ay may sapat na sats upang mabayaran ang bayad sa transaksyon (postage) para sa pagpapadala ng transaksyon. Ang eksaktong halaga na kakailanganin mo ay depende sa rate ng bayad na pipiliin mo para sa transaksyon
Kung ang lahat ng nasa itaas ay totoo para sa iyong inskripsiyon, ito ay dapat na ligtas para sa iyo upang ipadala ito gamit ang paraan sa ibaba.
⚠️⚠️ Maging maingat sa pagpapadala ng iyong inskripsiyon lalo na kung ang offset
value ay hindi 0
. Hindi inirerekomenda na gamitin ang paraang ito kung iyon ang kaso, sa paggawa nito maaari mong hindi sinasadyang ipadala ang iyong inskripsiyon sa isang bitcoin miner maliban kung alam mo ang iyong ginagawa.
Pag-padala ng iyong inscription
Upang magpadala ng inskripsiyon, mag-navigate sa tab na UTXOs
, at hanapin ang UTXO na dati mong na-validate ay naglalaman ng iyong inskripsiyon.
Kung dati mong na-freeze ang UXTO kakailanganin mong i-right-click ito at i-unfreeze ito.
Piliin ang UTXO na gusto mong ipadala, at tiyaking iyon ang only UTXO na napili. Dapat mong makita ang UTXOs 1/1
sa interface. Kapag sigurado ka na ito ang case na maaari mong pindutin ang Send Selected
.
Pagkatapos ay ipapakita sa iyo ang interface ng pagbuo ng transaksyon.May ilang bagay na kailangan mong suriin dito upang matiyak na ito ay isang ligtas na ipadala:
- Ang transaksyon ay dapat magkaroon lamang ng 1 input, at ito ay dapat na ang UTXO na may label na gusto mong ipadala
- Ang transaksyon ay dapat magkaroon lamang ng 1 output, na kung saan ay ang address/label kung saan gusto mong ipadala ang inskripsiyon
Kung iba ang hitsura ng iyong transaksyon, halimbawa marami kang mga input, o maramihang mga output kung gayon ito ay maaaring hindi isang ligtas na paglipat ng iyong inskripsyon, at dapat mong iwanan ang pagpapadala hanggang sa mas maunawaan mo, o maaaring mag-import sa ord
wallet.
Dapat kang magtakda ng naaangkop na bayarin sa transaksyon, ang Sparrow ay karaniwang magrekomenda ng rate, ngunit maaari mo ring tingnan ang mempool.space upang makita kung ano ang inirerekomendang rate ng bayad para sa pagpapadala ng transaksyon.
Dapat kang magdagdag ng label para sa address ng tatanggap, isang label tulad ng alice address para sa inscription #123
ay magiging perpekto.
Kapag nasuri mo na ang transaksyon ay isang ligtas na transaksyon gamit ang mga tseke sa itaas, at tiwala kang maipadala ito maaari mong i-click ang Create Transaction
.
Dito muli, maaari mong i-double check kung ang iyong transaksyon ay mukhang ligtas, at kapag tiwala ka na, maaari mong i-click ang Finalize Transaction for Signing
.
Dito maaari mong i-triple check ang lahat bago pindutin ang Sign
.
At pagkatapos ay talagang makakakuha ka ng huling pagkakataon upang suriin ang lahat bago pindutin ang Broadcast Transaction
. Kapag nai-broadcast mo ang transaksyon ito ay ipapadala sa bitcoin network, at nagsimulang i-reveal sa mempool.
Kung gusto mong subaybayan ang status ng iyong transaksyon maaari mong kopyahin ang Transaction Id (Txid)
at i-paste iyon sa mempool.space
Kapag nakumpirma na ang transaksyon maaari mong tingnan ang pahina ng inskripsiyon sa ordinals.com upang ma-validate na lumipat ito sa bagong lokasyon at address ng output.
Pag-Troubleshoot
Hindi nagpapakita ng transaksyon/UTXO ang Sparrow wallet, ngunit nakikita ko ito sa mempool.space!
Tiyaking nakakonekta ang iyong wallet sa isang bitcoin node. Para mapatunayan ito, pumunta sa Preferences
-> Server
na mga setting, at i-click ang Edit Existing Connection
.
Mula doon maaari kang pumili ng isang node at i-click ang Test Connection
upang ma-validate na matagumpay na nakakonekta ang Sparrow.