Moderation

Ang ord ay may kasamang block explorer, na maaari mong patakbuhin sa local gamit ang ord server.

Nagbibigay ito ng kakayahan sayo na tingnan ang mga inskripsiyon sa block explorer. Ang mga inscription ay maaaring hindi kanais-nais o ilegal.

Responsibilidad ng bawat tao na namamahala sa isang instance ng ordinal block explorer na maunawaan ang kanilang mga responsibilidad tungkol sa lumalabag na content at magpasya sa naaangkop na patakaran sa pagmo-moderate para sa kanilang instance.

Upang maiwasang maipakita ang mga partikular na inscription sa isang ord instance, maaaring isama ang mga ito sa isang configuration file ng YAML, na may kasamang opsyong na --config.

Upang itago ang mga inscription, gumawa muna ng configuration file, na may ID ng inscription na gusto mong itago:

hidden:
- 0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000i0

Ang pangalan ng file ng pagsasaayos ng ord ay ord.yaml, ngunit maaaring gamitin ang anumang filename.

Pagkatapos ay ipasa ang file sa --config kapag sinimulan ang server:

ord --config ord.yaml server

Tandaan na ang --config na opsyon ay pagkatapos ng ord ngunit bago ang server subcommand.

Ang ord ay dapat na i-restart upang ang mga pagbabagong ginawa sa configuration file ay ma-apply.

ordinals.com

Ang instance ng ordinals.com ay gumagamit ng systemd upang patakbuhin ang service ng ord server, na tinatawag na ord, na may configuration file na matatagpuan sa /var/lib/ord/ord.yaml.

Upang itago ang isang inscription sa ordinals.com:

  1. Kumonekta sa SSH server
  2. Idagdag ang inscription ID sa /var/lib/ord/ord.yaml
  3. I-restart ang serbisyo gamit ang systemctl restart ord
  4. Subaybayan ang pag-reboot gamit ang journalctl -u ord

Sa kasalukuyan, ang ord ay mabagal na mag-restart, kaya ang site ay hindi babalik kaagad online.