Reindexing
Minsan ang database ng ord ay dapat na i-reindex, na nangangahulugan ng pagtanggal ng database at i-restart ang proseso ng pag-index gamit ang alinman sa ord index update o ord server. Ang mga dahilan para muling i-index ay:
- Isang bagong pangunahing release ng ord, na nagbabago sa scheme ng database
- Na-corrupt ang database
Ang database na ginagamit ng ord ay tinatawag na redb, kaya binibigyan namin ang index ng default na pangalan ng file na index.redb. Bilang default, ni-store namin ang file na ito sa iba't ibang lokasyon depende sa iyong operating system.
| Platform | Value | Halimbawa |
|---|---|---|
| Linux | $XDG_DATA_HOME/ord or $HOME/.local/share/ord | /home/alice/.local/share/ord |
| macOS | $HOME/Library/Application Support/ord | /Users/Alice/Library/Application Support/ord |
| Windows | {FOLDERID_RoamingAppData}\ord | C:\Users\Alice\AppData\Roaming\ord |
Kaya para tanggalin ang database at reindex sa MacOS kailangan mong i-run ang sumusunod sa mga commands sa terminal:
rm ~/Library/Application Support/ord/index.redb
ord index update
Siyempre maaari mo ring itakda ang lokasyon ng direktoryo ng data sa iyong sarili gamit ang ord --datadir <DIR> index update o bigyan ito ng partikular na filename at path na may ord --index <FILENAME> index update.